Pangulong Rodrigo Duterte, nanguna sa 100 most influential people in the world

68
Manila, Philippines – Nangunguna sa online poll bilang 100 most influential people in the world ng Time Magazine si Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Nakuha ni Pangulong Duterte ang four percent ng total votes na mataas kumpara sa iba pang global figures tulad nina Pope Francis, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Beyonce at German Chancellor Angela Merkel.
 
Kabilang rin si Duterte, Trudeau at Merkel sa short list ng iba pang world leader gaya nina Chinese Pres. Xi Jinping, US Pres. Donald Trump, Russian Pres. Valdimir Putin at British Prime Minister Theresa May.
 
Nakatakdang matapos ang online poll sa April 16 kasabay ng Easter Sunday habang iaanunsyo ang “time 100 list” sa April 20.


Facebook Comments