DILG, nagbabala kaugnay sa mga modus ng panghihingi ng pera para sa mga itatalagang opisyal ng barangay

Manila, Philippines – Nagbabala si Interior and Local Government Secretary Mike Sueno sa publiko kaugnay sa mga modus ng panghihingi ng pera para sa mga itatalagang opisyal ng barangay.
 
Ayon kay Sueno, tiyak niyang maraming susulpot na oportunista na gagamitin ang pagkakataon na makahingi o makapanikil ng pera.
 
Sa katunayan aniya noong nakaraang linggo ay nakatanggap siya ng reklamo kaugnay ng ganitong modus.
 
Giit ng kalihim, hindi pinapayagan ng dilg ang sinumang indibidwal o organisasyon na mag solicit para sa isang opsiyal ng barangay.
 
Sakali aniyang mabiktima ng ganitong modus, agad itong isumbong sa DILG o sa lokal na pamahalaan.

Facebook Comments