Pangulong Rodrigo Duterte – nasa Russia na para sa kanyang 4-day state visit

Manila, Philippines -Nasa Russia na at nagpapahinga ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte na dumating sa Moscow bago hatinggabi doon o alas 4 ng madaling araw kanina oras sa Pilipinas.

Sa Miyerkules, nakatakdang makipagpulong si Pangulong Duterte kay Russian Prime Minister Dmitry Medvedev sa Reception House of the GOVERNMENT of the Russian Federation.

Susundan ito ng expanded bilateral meeting nina Medvedev at Duterte sa golden room at wreath laying ceremony sa tomb of the unknown soldier.


Sa hapon, ang conferment ng doctorate degree kay Pangulong Duterte sa Moscow State Institute of International Relations.

May Philippine-Russian Federation CEO roundtable/dinner din ang pangulo kung saan ito magbibigay ng mensahe.

Sa Huwebes naman ang bilateral at restricted meeting ni pangulong Duterte at Russian President Vladimir Putin sa Kremlin.

Panghuling aktibidad ni Pangulong Duterte sa Huwebes ang pagharap sa Filipino community sa Russia kung saan tinatayang nasa 5,000 pinoy ang naninirahan doon.

Mula sa Moscow, bibisita rin si Pangulong Duterte sa St. Petersburg sa Biyernes kung saan makakaharap ang Russian navy at mga negosyanteng Ruso kasama ang kanyang business delegation.
DZXL558

Facebook Comments