MANILA, PHILIPPINES – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglulunsad ng Comprehensive Automotive Resurgence Strategy Program sa Malakanyang.
Dito ay nagpasalamat si Pangulong Duterte sa car company dahil hindi lang trabaho ang maibibigay nito sa mga Pilipino, kundi maaari ring makilala ang bansa sa buong mundo.
Natuwa rin si Pangulong Duterte dahil isa sa mga modelo ng sasakyan nito ay proudly Philippine made o gawang Pilipino.
Samantala, sa pagharap naman ni Pangulong Duterte sa media kanina, iginiit nito na hindi siya manghihimasok sa proseso ng korte hinggil sa mga kasong isinampa laban kay Senator Leila De Lima.
Ayon sa Pangulo, kahit minsan ay hindi niya tinawagan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre tungkol dito.
Sabi pa ni P-Duterte, kung hindi talaga sangkot sa iligal na droga ang isang tao ay wala itong dapat ikatakot.