Pangulong Rodrigo Duterte, pinaaalerto ang mga bansa sa Asya sa banta ng North Korea

Manila, Philippines – Pinaaalerto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bansa sa Asya kaugnay sa banta ng North Korea.

Sa kanyang VIP tour sa Her Majesty Australian Ship (HMAS) Adelaide sa Port Area, Maynila, sinabi ng Pangulo na masyadong malaking pinsala sa ari-arian at buhay sakaling humantong sa giyera ang tensyon sa Korean peninsula.

Aniya, dapat maging mapagmatyag at higit na pagtibayin ang alyansa sa pagitan ng mga bansa sa buong mundo dahil walang nakakaalam kung ano ang naiisip ni North Korean Leader Kim Jong Un.


Ayon pa sa Pangulo, alam niyang nakaalerto ang Australia at hangad nitong makakatuwang ito ng Pilipinas anuman ang mangyari.

Inilahad din ni Duterte ang sinapit ng Pilipinas kasunod ng kaguluhan sa Marawi City.

Giit pa ng Pangulo, walang masama ang pagpapatupad ng mahigpit na immigration laws dahil bahagi ito ng pagbibigay proteksyon o “self-preservation” ng isang bansa.

Facebook Comments