Pangulong Rodrigo Duterte, pinangunahan ang paggunita sa ika-158 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio

59

Pinangunahan kanina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita ng ika-158 kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City.

May tema ang pagtitipon na “Bonifacio 2021: Pagbubuklod para sa kaligtasan at kalusugan ng Bayan”.

Kasamang dumalo ng pangulo ang ilang miyembro ng gabinete at mga lokal na opisyal ng San Juan City.


Sa kaniyang talumpati, hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga Pilipino na maging bayani katulad ni Bonifacio.

Habang pinayuhan din nito ang lahat na maging tapat at mapagmahal sa bayan at gawin ito sa simpleng pamamaraan.

Maliban sa San Juan, nagdaos din ng mga aktibidad para sa Bonifacio Day sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Maynila na pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno at iba pang opisyal ng lungsod.



Habang nagkaroon din ng simpleng seremonya sa Caloocan City kung saan nag-alay ng bulaklak sa Bonifacio Monument Circle na pinangunahan naman ni Mayor Oca Malapitan.

Facebook Comments