Gat Andres Bonifacio, inspirasyon ni Senator Go sa pagsiserbisyo kahit hindi siya maging pangulo ng bansa

29

Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go na magpapatuloy ang pagsiserbisyo niya sa mamamayan kahit umatras na siya sa pagtakbo para sa pagka-presidente sa 2022 elections.

Sabi ni Go, inspirasyon niya ang ating bayani na si Gat Andres Bonifacio na naglingkod ng lubos sa bayan kahit hindi naging pangulo ng bansa.

Paliwanag ni Go, maraming pagkakataon kay Bonifacio na pamunuan ang bansa matapos nitong pangunahan ang revolutionary movement pero iba ang naging takbo ng kaniyang kapalaran.


Diin ni Go, hindi naman niya inambisyon na maging presidente dahil siya ay isang simpleng probinsyano lamang na magsilbi sa taumbayan.

Pahayag ito ni Go kasabay ng ipinagdiriwang ngayong ika-158th na birth anniversary ni Gat Andres Bonifacio.

Facebook Comments