Pangulong Rodrigo Duterte, pinauuwi na si CPP founder Jose Maria Sison sa Pilipinas, joint interim ceasefire, pinagkasunduan ng gobyerno at komunistang grupo

Manila, Philippines – Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte naposibleng makauwi na ng Pilipinas ang Communist Party of the Philippines (CPP)founder Jose Maria Sison.
 
Sinabi ng pangulo na nakausap niya ang mga miyembro nggovernment peace panel sa the Netherlands para iparating ang mensahe kay Sison.
 
Kasabay nito, nilagdaan na ng gobyerno at National DemocraticFront (NDFP) ang interim joint ceasefire sa kasagsagan ng ikaapat na round ngpeace talks sa the Netherlands.
 
Magiging epektibo ang naturang interim ceasefire sa oras namaaprubahan na ang mga guidelines at ground rules ukol dito.
 
Apat na kundisyon ang inilatag ni Pangulong Duterte para makauwing Pilipinas si Sison, kabilang na rito ang pagpapatigil ng pangongolekta ngrevolutionary tax, pagpapalaya sa mga political prisoners, walang pag-angkin ngteritoryo at ang pagpapatupad ng tigil-putukan.

Facebook Comments