Pangulong Rodrigo Duterte, pinayagan na ang gradual opening ng turismo sa bansa

Pinayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unti-unting pagbabalik ng turismo sa bansa.

Ang desisyon ng Pangulo ay matapos na isailalim ang ilang mga lungsod at probinsya sa Modified General Community Quarantine mula September 1 hanggang 31.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kasama ang naturang hakbang sa efforts ng gobyerno na muling pagulungin ang ekonomiya.


Sinabi ni Roque na inutos ng Pangulo sa Department of Tourism na palakasin ang kooperasyon nito sa mga lokal na pamahalaan at provincial units upang matiyak na masusunod ang lahat ng quarantine protocols at precautionary measures oras na magbalik ang mga aktibidad sa lokal na turismo.

Sa ngayon aniya ay sinusubukan ng DOT na muling buksan ang Baguio City para sa turismo matapos itong payagan ng Pangulo.

Matatandaan sa huling resolusyon ng Inter-Agency Task Force na may petsang August 31, 2020 ay nalagay sa mas maluwag na MGCQ ang mga lungsod at probinsya na may mga sikat na pasyalan tulad ng Baguio City, Mountain Province, Benguet, Ifugao at Kalinga sa Cordillera Adminsitrative Region.

Facebook Comments