Pangulong Rodrigo Duterte, pinayuhan ang mga opisyal ng gobyerno na iwasang magtungo sa Canada

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng gobyerno na iwasang bumiyahe sa Canada.

 

Sa inilabas na pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kinumpirma nitong naglabas ng memorandum si Executive Secretary Salvador Medialdea hinggil sa nasabing utos ng pangulo.

 

Sinabihan din ang mga pinuno ng mga ahensya ng gobyerno na bawasan ang kanilang official interaction sa gobyerno ng Canada.


 

Kasunod ito ng kabiguan ng Canada na mahakot at maibalik sa kanilang bansa ang tone-toneladang basurang itinambak sa Pilipinas.

 

Nauna nang ipinag-utos ni Foreign Affairs Sec. Teodore Locsin Jr. ang pag-recall sa ilang ranking Philippine officials sa Canada.

 

Sabi ni Panelo  ang recall ang warning na handa ang Pilipinas na tapusin deka-dekada nitong diplomatic ties sa Canada.

Facebook Comments