Pangulong Rodrigo Duterte, posibleng palawigin at palawakin pa ang martial law sa buong bansa kapag patuloy na lumaganap ang terorismo

Manila, Philippines – Posibleng palawakin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang idineklara nitong martial law sa buong bansa.

Ito ay kung mapapasok ng teroristang ISIS maging ang rehiyon ng Luzon at Visayas.

Sa kanyang arrival speech sa naia kahapon, sinabi ng pangulo na hindi siya magdadalawang-isip na magdeklara ng martial law sa buong bansa kung lalawak ang terorismo.


Kasabay nito, nanawagan si Duterte sa publiko na huwag hahayaang makapasok sa Visayas ang teroristang ISIS dahil kung mangyari, magiging marahas aniya ang pagsugpo niya sa mga kalaban ng gobyerno.

Una nang sinuspinde ng pangulo ang writ of habeas corpus sa Mindanao na maaari rin aniya niyang gawin sa Visayas para pigilan ang pagkalat ng karahasan sa rehiyon.

Ang writ of habeas corpus ay proteksyon ng mga mamamayan laban sa warrantless arrest.

Samantala, tiniyak naman ng pangulo na hindi niya papayagang mang-aabuso sa kapangyarihan sa harap ng umiiral na batas militar.
DZXL558

Facebook Comments