Pangulong Rodrigo Duterte, pwedeng gawin ang SONA sa Malacañang kapag marami ang nagpositibo sa COVID-19 sa Batasan

Courtesy: PCOO.GOV.PH

Tiniyak ng Malacañang na mayroon silang “Plan B” sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Communication Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, maaaring gawin ng Pangulo ang kanyang talumpati sa Palasyo sakaling maraming bisita sa Batasang Pambansa ang nagpositibo sa COVID-19.

Ang mga panauhin sa SONA ay sasailalim sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) testing.


Pero sinabi ni Andanar na tuloy pa rin ang SONA ng Pangulo sa final venue, ngunit magbabago lamang ito depende sa test results ng mga government officials na inimbitahan sa event.

Sakaling ilipat sa Malacañang ang venue, mababawasan ang bilang ng mga iimbitahan.

Kabilang sa mga awtomatikong imbitado sa Palasyo ay ang Senate President, House Speaker, Executive Secretary at iba pang miyembro ng Kongreso.

Facebook Comments