Pangulong Rodrigo Duterte, satisfied pa din sa miyembro ng kanyang Gabinete

22

Manila, Philippines – “Satisfied” pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng kanyang Gabinete.

Sa kabila ito ng sunod-sunod na pagsibak ng Pangulo sa ilang opisyal ng gobyerno nitong mga nakaraang araw.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – marami nang pagpipilian ang Pangulo sa pagtatapos ng ban sa mga natalong kandidato noong eleksyon.

Pero aniya, hindi naman agad-agad na papalitan ng Pangulo ang mga tao sa posisyon maliban na lamang sa mga pwesto na may designated na Officers-In-Charge.

Una rito, halos magkasunod na sinibak ng Pangulo si DILG Sec. Ismael Sueno dahil sa umano’y isyu ng korapsyon at si Usec. Halmen Valdez na nagtangkang baligtarin ang mga denied rice importation permits ng NFA.

Sabi pa ng Pangulo, magpapatuloy ang pagsibak niya sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno bilang bahagi ng kanyang kampanya laban sa korapsyon.
Nation”

Facebook Comments