Lalaki, dead on the spot matapos pagbabarilin sa Batasan Hills, Quezon City

70

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Ayon sa QCPD station 8, binaril ang biktima na si Dennis Latongay, nang lumabas ito para bumili sa kalapit na tindahan.

Isang residente naman ng naturang lugar ang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril dakong alas-11 ng gabi bago nadiskubre ang katawan ng biktima.

Sa ngayon ay ‘di pa matukoy kung sino ang suspek at kung ano ang motibo nito sa krimen.

Inaalam naman ng mga awtoridad kung kabilang ang biktima sa drug watchlist.
Nation”

Facebook Comments