Pangulong Rodrigo Duterte, simpleng ipinagdiwang ang kanyang 72nd birthday ayon sa Malakanyang

Manila, Philippines – Naging simple ang pagdiriwang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-72 kaarawan kahapon.
 
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – tahimik ang paggunita ng Pangulong Duterte sa kanyang birthday tulad ng nakagawian niya.
 
Nagpahinga lang aniya ang pangulo kahapon matapos ang sunud-sunod na pagpupulong bago ang kanyang birthday.
 
Sa Facebook post, sinabi naman ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, nagpasalamat ito sa ginawang sakripisyo ng ama sa bansa at tiniyak na lagi silang nakasuporta sa kanilang ama.
 
Para naman kay Davao City Mayor Inday Sarah Duterte, nagpost naman ito ng larawan kasama ang kanyang anak na si baby Stonefish at pangulo sabay na hiling na ulam na ‘humba’.
 
Wish din ni Mayor Inday sara ang mabuting kalusugan para sa ama.
 

Facebook Comments