Marijuana, gagawing gamot sa mga drug addict sa Amerika

148
Manila, Philippines – Tinitingnan ngayon ng ilang eksperto sa Amerika ang posiblidad na gawing lunas ang paggamit ng marijuana para matigil ang pagkalulong ng mga adik sa ipinagbabawal na droga.
 
Sa high sobriety clinic sa Los Angeles, USA, pinapayagan ang ilang pasyente na isinasalang sa rehabilitation na lulong sa heroin na gumamit ng marijuana.
 
Ayon kay Dr. Mark Wallace, chairman ng Division of Pain Medicine ng Department of Anesthesia ng University of California, San Diego, may ilan na siyang pasyente na pinahintulutang gumamit ng marijuana para mapaiwas ang mga ito sa mga opiate drugs gaya ng heroin.
 
Gayunman, nilinaw nito na marami pang kailangang gawing pag-aaral para lehitimong magamit ang naturang proseso sa mga drug dependents.


Facebook Comments