Pangulong Rodrigo Duterte, tila minamaliit ang pagkapanalo ng Pilipinas sa Hague ruling ayon sa isang eksperto

Tila minamaliit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging panalo ng Pilipinas sa permanent court of arbitration laban sa China.

Ito ang sinabi ng maritime expert na si Professor Jay Batongbacal matapos ang naging pahayag ng pangulo na isa lamang papel ang hague ruling ng permanent court of arbitration.

Ayon kay Batongbacal, hindi ito nakatutulong sa Pilipinas sa paggiit ng ating karapatan sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.


Matatandaang bukod dito ay isinisisi rin ng pangulo sa dating administrasyon kung bakit hindi na ngayon mapaalis ang China sa karagatang sakop ng ating Exclusive Economic Zone.

Facebook Comments