Pangulong Rodrigo Duterte, tiniyak na aaksyunan ang mga insidente ng patayan sa Negros Oriental

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na kaniyang aaksyunan ang nangyayaring patayan sa Negros Oriental.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpahayag ang pangulo ng kanyang sentimyento sa isinagawang regional peace council meeting sa Dumaguete hinggil sa nangyayaring patayan sa Negros Oriental.

Tiniyak aniya ng pangulo na magiging neutral siya sa isyu at gagampanan ng estado ang obligasyon nito.


“Nagparating po ng mensahe ang ating Presidente that he is “appalled” doon sa mga patayan na nangyayari sa Negros Oriental. Ang sinabi po ng Presidente is he will be completely neutral pero gagampanan ng estado ang kaniyang obligasyon na imbestigahan, litisin at parusahan ang mga tao na pumapatay sa Negros Oriental.” ani Roque

Sabi pa ni Roque, inatasan na rin ni Pangulong Duterte ang Department of Natural Resources (DENR) na resolbahin ang mga conflicting land claims na umano’y isang dahilan ng nangyayaring patayan sa Negros Oriental.

Facebook Comments