Pangulong Rodrigo Duterte, tiniyak na ginagawa ng gobyerno ang lahat para makabangon ang mga biktima ng baha sa Cagayan

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginagawa ng gobyerno ang lahat para muling makabangon ang mga residenteng naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Cagayan Valley bunsod ng Typhoon Ulysses.

Sa situation briefing sa Cagayan, sinabi ng pangulo na milyong pisong halaga ng tulong ang ipinadala ng pamahalaan sa Region II sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), LGUs at mga non-government organization.

Hinikayat din niya ang mga lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa binuong task force para sa pagsasagawa ng rehabilitasyon.


“To my countrymen here in Cagayan Valley, rest assured that we are working hard to rebuild your lives after this calamity,” ani Pangulong Duterte.

“Ang guidance talaga, I got this from President Ramos, it’s not my nobel idea, that after a catastrophy, whatever fire, flood, the objective should be to return to normalcy as soon as possible. It’s a military thinking. So ang ating gagawin, just the same, we will do everything to return to normalcy,” dagdag pa ng Pangulo.

Samantala, sinabihan din ni Pangulong Duterte ang mga LGU na gawin ang kanilang tungkulin para matigil ang illegal logging at illegal mining sa rehiyon.

Gayunman, isinisi ng Pangulo sa climate change ang kalamidad na tumama sa Cagayan Valley.

“Ang problema ho talaga ngayon, whether we accept it or not, itong climate change. There’s a lot of water vapor going upstairs in the Pacific Ocean and accumulating into so much rain,” punto pa ng Pangulo.

Facebook Comments