Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na maging sila ay mabibigyan ng bakuna kontra COVID-19.
Pero ayon sa Pangulo, dapat munang ihinto ng NPA ang pag-atake sa mga sundalo habang abala ang mga ito sa pagtugon sa problemang kinakaharap ng bansa.
Dapat ding hayaan ng NPA na makapagtrabaho ng maayos ang mga health workers na siyang itinuturing na frontliner sa laban ng bansa kontra sa virus.
Kasabay nito, nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi panawagan para sa unilateral ceasefire kundi “matter of humanity” lamang ang kaniyang sinasabi.
Itinuturing pa rin kasing Pinoy ang mga NPA, kaya pwede pa rin silang magpabakuna lalo’t mayroon din silang pamilya at mga anak.
Facebook Comments