Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katolika na huwag nang magdaos ng malakihang pagtitipon kabilang na ang Traslacion at misa para sa Itim na Nazareno dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Sa kaniyang Talk to the People address, sinabi ng Pangulo na nauunawaan niyang mahalaga ang prusisyon para sa mga katoliko pero umaasa siyang kakanselahin ng simbahan ang mga mass gatherings.
Bago niyan, nanawagan din si Health Secretary Francisco Duque III na huwag munang ituloy ang Traslacion at sa halip ay manatili na lamang sa bahay.
Noong nakaraang taon, hindi na nagkaroon ng prusisyon ng Itim na Nazareno mula sa Quirino Grandstand pabalik ng Quiapo Church at sa halip ay nagdaos na lamang ng mga misa sa iba’t ibang simbahan sa buong bansa.