Posibilidad na modus ang pagbabayad sa mga hotel para hindi mag-quarantine, iniimbestigahan na

166

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang posibilidad na binabayaran ng ilang indibidwal ang mga hotel para makatakas sa mandatory quarantine.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Police Major General Albert Ferro, inaalam na nila ngayon kung may binayaran ang tinaguriang ‘Poblacion girl’ na si Gwyneth Chua na una nang kinasuhan kasama ng walo pang indibidwal.

Samantala, sinabi naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang Talk to the People kagabi na nakatanggap siya ng ulat na marami na ang nakakalusot at nagbabayad sa airport para hindi na dumaan sa quarantine.


Kasunod nito, itinanggi naman ng Bureau of Quarantine na mayroong ganitong iregularidad pero tiniyak nilang iimbestigahan ang mga tauhan upang matiyak na walang makakalusot na ganitong raket.

Facebook Comments