Manila, Philippines – Wala ng balak si Pangulong Rodrigo Duterte na magpalaya pa ng karagdagang ng political prisoners.
Binigyang diin ito ng Pangulo sa kabila ng pagbabalik ng peace talks ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines sa Abril.
Pero ayon kay Pangulong Duterte, tuloy pa rin naman ang planong pagpapalaya sa matatanda at may sakit na miyembro ng New People’s Army.
Matatandaang ilang political prisoners na kinabibilangan ng mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon ang pinalaya ng Pangulo para makalahok sa peace talks pero ipinag-utos ang pagpapaaresto sa mga ito matapos niyang suspendihin ang usapang pangkapayapaan.
Facebook Comments