Pangulong Rodrigo Duterte, binati si Joe Biden matapos manalo sa U.S. presidential poll

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte kay dating US Vice President Joe Biden matapos na mahalal bilang bagong presidente ng Amerika.

Sa statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na committed ang Malacañang na mapaigting pa ang relasyon ng bansa sa Amerika sa ilalim ng termino ni Biden.

Pagtitiyak ni Roque, kaya ni Pangulong Duterte na makapagtatag ng “equally warm personal relations” maski sino pa kay Biden o Donald Trump ang nanalo.


Samantala, una nang nagpaabot ng pagbati kay Biden ang iba’t ibang world leaders.

Matatandaang nagwagi sa eleksyon si Biden matapos na masungkit ang 290 electoral votes na higit sa 270 threshold na kailangan niyang makuha laban sa 214 ni Donald Trump.

Si Biden ang ika-46 na pangulo ng Estados Unidos.

Facebook Comments