Search and Rescue Team ng Quezon City, nasa Albay na para tumulong sa mga sinalanta ng Bagyong Rolly

41

Nakarating na sa lalawigan ng Albay ang Urban Search and Rescue Team ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) para tumulong sa mga sinalanta ng Bagyong Rolly.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, bukod sa dalang relief goods at generators sets, tutulong na rin ang rescue team sa clearing operations sa mga lugar na lubhang sinalanta ng kalamidad.


Unang sumabak ang mga tauhan ng QCDRRMO sa paglilinis ng mga natumbang puno at iba pang debris sa mga kalsada sa Albay.

Pagtiyak pa ng alkalde na nakahanda silang magbigay ng anumang tulong sa kahit na anong paraan at nagpasalamat din ito sa mga tauhan na lumabas sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments