Asahan ang pag-baba ng presyo ng mga gamot sa diabetes, hypertension, mataas na cholesterol at sakit sa puso simula sa enero ng 2020.
Ayon kay committee on ways and means chairperson senator pia cayetano, ipinaloob nila sa sin tax bill ang probisyon na huwag nang patawan ng Value Added Tax o VAT ang nabanggit na mga gamot.
Sabi ni cayetano, simula naman sa taong 2023 ay magiging exempted sa VAT ang mga gamot para sa cancer, mental health, tuberculosis at sakit sa bato.
Nasa 4 hanggang 6 na bilyong piso ang mawawala sa gobyerno dahil dito.
Pero paliwanag ni cayetano, matatapalan naman ang mawawalang buwis ng makukulektang buwis batay sa bagong sin tax bill.
Sa kakapasang sin tax bill ay tinaasan ang buwis na ipinapataw sa beer, wine, gin o mga inuming may alcohol… gayundin ang buwis na ipinapataw sa vape at e-cigarettes.