Sanggol na iniwan sa basurahan, nailigtas matapos ma-delay ang garbage truck

KALAMATA, Greece – Nasagip ang bagong silang na sanggol mula sa isang basurahan na mayroong halos 10-ft lalim nang swerteng maantala ang truck na nangongolekta ng basura.

Ayon sa pulisya, isang babae ang tumawag sa kanila matapos itong makarinig ng iyak ng bata sa naturang basurahan.

Sa ulat ng saksi, pinapakain niya noon ang mga pusa ng kapitbahay nang madiskubre ang kawawang sanggol na agad namang sinagip ng mga pulis.


Pahayag ng alkalde ng lugar, maswerte ang sanggol dahil naantala ang noo’y papunta na sanang garbage truck para kunin ang laman ng basurahan.

Samantala, arestado ang hinihinalang ina ng bata ng attempted infanticide.

Kasalukuyan namang nasa maayos na kalagayan ang sanggol matapos maisugod sa ospital.

Facebook Comments