Pangunahing suspek sa Bulacan masaker, hindi basta agad makapanayam ng media

Bulacan – Masyadong maingat ngayon ang Bulacan Police Provincial Office sa pagbibigay ng impormasyon Media lalo na ang pagsasagawa ng panayam sa pangunahing suspek sa masaker na si Carmelino Ibañes alyas Miling na nagpositibo sa isinagawang DNA test ng Bulacan Crime Laboratory Office.

Ayon kay San Jose Del Monte Police City Station Chief of Police Supt. Fitz Macariola kinakailangan munang magpaalam kay Provincial Director Sr. Supt Romeo Caramat Jr. at Region 3 Regional Director Chief Supt. Aaron Aquino bago payagan na makapanayam ng Media si alyas Miling.

Nais kasing kapanayamin ng Media si alyas Miling at kunan ang kanyang reaksyon matapos ilabas ang resulta ng DNA swab test na nagpositibo siya sa isinagawang Crime lab test ng Bulacan PNP.


Paliwanag ni Macariola, kung siya lamang umano ang masusunod ay papayagan agad niya na ma-interview ng media si alyas Miling para sa kanyang reaksyon pero mayroon pa umanong nakatataas sa kanya na dapat niyang ipagpapaalam.

Facebook Comments