Pangunahing suspek sa Bulacan Massacre, naghain ng not guilty plea

Manila, Philippines – Naghain ng not guilty plea ang suspek sa Bulacan Massacre na si Carmelino ‘Miling’ Ibañes.

Kasabay nito, hiniling din ng kanyang kampo na suspendihin ang arraignment dahil posible raw na wala sa tamang pag-iisip ang suspek nang gawin ang krimen.

Pero hindi ito pinagbigyan ng korte at iniutos pa ring ituloy ang paglilitis.


Gayunman, pumayag ang korte na isailalim siya sa psychological at psychiatric evaluation sa anumang mental institution.

Si Ibañes ay nahaharap sa limang kaso ng murder at isang kaso ng rape.

Facebook Comments