Pangunahing suspek sa rent tangay scam, humarap sa DOJ

60

Manila, Philippines – Humarap sa Department of Justice (DOJ) panel of
prosecutors ang mga pangunahing suspek sa tinaguriang rent-tangay o
rent-sangla scam na nakapambiktima nang mahigit sa 300 car owners.

Dito naghain ng counter affidavit si Rafaela Anunciacion habang bigo naman
si Tychicus Nambio na magsumite ng kanyang kontra-salaysay dahil hindi
umano niya natatanggap ang mga padalang subpoena ng DOJ.

Ang mga suspek ay nahaharap sa reklamong large scale estafa bukod pa sa
panibagong reklamo na isinampa ng National Bureau of Investigation (nbi) na
syndicated estafa at carnapping.

Itinakda ng panel ang susunod na hearing sa April 10 kung saan inaasahan
ang pagsusumite ng karagdagan pang salaysay ng iba pang complainant sa kaso.

Facebook Comments