14 taong gulang utas matapos binaril ng pinsan

50

General Santos City—agad na binawian ng buhay ang isang 14 na taong
gulang na binatilyo matapos itong nabaril kagabi ng kanyang 16 gulang na
pinsan habang sila ay nasa kanilang trabaho sa isang Piggery Farm sa Nopol
Hill, Barangay Conel , Gensan.

Kinilala ang biktima na si John Christoper Rosallos, residenti ng PI 16,
Barangay City Heights. Habang ang suspek ay kinilala naman na si Alias
Dominic, residenti ng Barangay Conel.

Sinabi ni Police Chief Inspector Hover Antonio, hepe ng Police Station 4
pinaglalaruan ng suspek ang isang , cal. 38 señorita na baril. Kinalabit
nito ang gatilyo habang nakatutok sa lupa, pero ng hindi pumutok, kanya
itong itinutok sa nuo ng kanyang pinsan at kinalabit.

Biglang pumutok ang baril kasabay ng pagtumba ng biktima. Hindi na ito
nadala pa sa ospital dahil agad itong binawian ng buhay.

Agad namang dinakip ang suspek matapos ng insidenti, nakatakda naman itong
iturn-over sa CSWD ngayong araw.

Facebook Comments