Pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte s a resulta ng online poll ng Time Magazine para sa pagpili ng ‘most influential people in the world’, ikinatuwa ng Malakanyang

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Malakanyang ang pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa resulta ng online poll ng Time Magazine para sa pagpili ng ‘most influential people in the world’ ngayong taon.
 
Ito ay matapos makakuha si Pangulong Duterte ng pinakamaraming boto, kung saan nalagpasan pa nito ang iba pang kilalang personalidad tulad nina Pope Francis; Canadian Prime Minister Justin Trudeau; R&B Star Beyonce at German Chancellor Angela Merkel.
 
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ipinapakita lang nito ang magandang pagtanggap ng mga tao sa mundo sa liderato ng pangulo lalo na sa paglaban sa iligal na droga.
 
Nangangahulugan din aniyang positibo ang pagkilala ng mga bomoto kay Pangulong Duterte, sa kabila ng ingay dahil sa human rights violations.
 
Nakatakdang matapos ang online poll sa april 16 habang i-a-anunsyo naman ang “time 100 list” sa April 20.


 

Facebook Comments