Panibagong 113 na pulis, nadagdag sa mga infected ng COVID-19

36

Umaabot na ngayon sa 5,060 ang mga pulis na nagpositibo sa COVID-19.

Ito ay matapos na madagdag kahapon sa bilang ng mga infected ng COVID-19 ang 113 na mga pulis.

Batay sa ulat ng Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO), 38 sa mga bagong nagpositibo ay nakatalaga sa National Capital Region (NCR), 35 sa Police Regional Office (PRO-3), 16 sa PRO-4A, 8 sa National Administrative Support Unit, 5 sa National Operation Support Unit, tig 3 sa National Headquarters at PRO-11.

Habang tig-dalawang pulis, positibo sa PRO-4B at PRO-10 at isa sa PRO-2.

Pero magandang balita dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 3,623 na ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 758 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 3,368 na pulis ang suspect case ng COVID-19.

Nanatili naman sa 16 na pulis ang naitatalang namatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments