Kinumpirma ng Department of Health (DOH), University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) ang panibagong 12 Delta (B.1.617.2) variant cases sa bansa.
May 187 Alpha (B.1.1.7) variant cases ang naitala rin ngayong araw habang 142 ang bagong Beta (B.1.351) variant cases, at 12 bagong P.3 variant cases.
Ayon pa sa DOH, ang 12 bagong delta variant cases ay pawang local cases, 6 dito ay mula sa Region 3; 2 kaso naman mula sa CALABARZON; 1 sa Region 5 o Bicol Region habang 3 ang bagong kaso sa National Capital Region.
Ayon sa DOH, ang 12 bagong Delta variant cases sa bansa ay pawang naka-recover na.
Sa ngayon, umaabot na sa 47 ang kabuuang Delta variant cases sa bansa at sa nasabing bilang 8 na lamang ang aktibong kaso.
Ang kabuuang kaso naman ng Alpha o UK variant sa bansa ay 8,930 at ang aktibong kaso ay 18.
Ang Beta o South African variant naman ay 1,668 na ang total cases sa bansa at ang aktibong kaso ay 17.
Sa P.3 variant naman ay 233 ang kabuuang kaso at ang aktibong kaso ay 1 na lamang.