Umaabot na ngayon sa 4,562 ang mga pulis na nagpositibo sa COVID-19.
Ito ay matapos na madagdagan kahapon sa bilang ng mga infected ng COVID-19 ang 133 na mga pulis.
Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office, 85 sa mga bagong nagpositibo ay nakatalaga sa National Capital Region, 21 sa PRO4 A, Tig-anim na National Operation Support Unit at PRO 6, tig-tatlo sa National Headquarters, PRO 8 at PRO 9.
Habang tig-iisa sa National Administrative Support Unit at PRO 12.
Pero magandang balita dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 3,255 na ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 745 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 3,132 na pulis ang suspect case ng COVID-19.
Nananatili naman sa 16 na pulis ang naitatalang namatay dahil sa COVID-19.