Panibagong 60 na mga pulis, positibo sa COVID-19

Walang tigil ang pagtaas ng bilang ng mga pulis na positibo sa Coronavirus Disease 2019 na ngayon ay umaabot na sa 2,407.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office, kahapon ay may panibagong 60 na mga pulis ang infected ng COVID-19.

39 sa mga bagong nagpositibo, nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), lima sa National Headqauarters, apat sa Polcie Regional Office (PRO) 4A, tatlo sa PRO 4B, dalawa sa PRO 9.


Habang tig-iisang pulis na ang nagpositive na nakatalaga sa Headquarters Support Service, Health Service, AVSEG, PSPG, PRO 1, PRO 6 at PRO 2.

Pero magandang balita dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 1,428 na ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 893 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,379 na pulis ang suspect case ng COVID-19.

Nanatili naman sa labing isang mga pulis ang namatay ng dahil sa COVID-19.

Facebook Comments