Manila, Philippines – Itinanggi ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang akusasyon ng korapsyon na ibinato laban sa kanya ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr.
Sabi ni Diokno, isang malaking kahibangan ang alegasyon sa kanya ni Andaya.
Mali aniya ang mga figure at walang basehan ang kwento ng kongresista.
Pinabulaanan ni Andaya na in-adjust ang 2019 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nang hindi alam ni Secretary Mark Villar.
Paliwanag ni Diokno, ang orihinal na panukalang budget ng DPWH ay P652 billion at hindi P488 billion na sinabi ni Andaya sa question hour sa Kamara noong December 11, 2018.
Pero sa huling bahagi aniya ng budget preparation ay kulang pa rin ang kabuuang infrastructure budget para mailabas ang 5 percent ng gross domestic product para sa mga proyekto na naging dahilan kaya in-adjust ang budget ng DPWH ng P75.5 billion.
Giit ng kalihim, ang DPWH ang nag-fill out ng kanilang budgetary allocation at limitado lamang ang DBM sa paglaan ng budget ceiling at pagsuri sa panukalang proyekto.