Ipinasilip na sa publiko ang bagong gawang Audio-Visual Presentation ng Pangasinan Hymn ng lalawigan Pangasinan.
Pormal na inilabas noong Martes, ika-11 ng Hulyo, 2023 sa opisyal na Facebook Page ng probinsiya.
Ang Pangasinan Hymn na ito ay may pamagat na “Luyag ko tan Yaman” na gawa ng isang kilalang novelty singer sa probinsiya na si Raul “Insyong” Tamayo.
Matatandaan na noong September 2011 nang aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang Provincial Ordinance No. 154-2011 bilang isang opisyal na awit ng lalawigan kung saan ang kantang ito ay sumasalamin sa mga pang-araw-araw na gawain ng mga Pangasinense.
Layunin ng bidyong ito ay ipinapakita ang mga mahahalagang kultura at mga maipagmamalaking yaman ng Pangasinan, mga produkto, mga bundok, pasyalan at marami pang iba.
Ang kanta ay gawa sa diyalektong Pangasinan kung pinapahalagaan nito ang wikang ginagamit ng mga Pangasinense sa araw-araw na pakikibaka sa buhay.
Kuha ang mga kaganapang ito sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan at makikita rito ang patuloy na pag-unlad ng probinsya, bida rin sa bidyong ito ang mga malalaking personalidad na mula sa probinsya gaya na lang nina Geronima T. Pecson, na naging pinaka unang babaeng senador ng bansa, dating Presidente Fidel V. Ramos at iba pa. |ifmnews
Facebook Comments