Sinuyod ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Tayug, Pangasinan sa isinagawang validation at registration ng mga pamilyang posibleng mapasama sa panibagong batch ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon sa ulat, tinukoy ang mga kwalipikadong pamilya na maisasama sa programa kung saan karamihan sa mga nagparehistro ay mga inang may anak na hanggang 18 taong gulang.
Masusing sinuri ang kanilang household profiling at kabuhayan bago sila opisyal na inirehistro bilang benepisyaryo.
Ayon sa tanggapan, mahalaga ang validation upang matiyak na ang mga ayuda ay napupunta sa mga tunay na nangangailangan sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










