Panibagong batch ng AstraZeneca vaccine, dumating na sa bansa.

Dumating na sa bansa ang 698,600 doses ng AstraZeneca vaccines na binili ng gobyerno.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal (NAIA) 1 Bay 9 ang China Airlines pasado alas-9 ng umaga na dala ang nasabing mga bakuna.

Sinalubong naman ito nina National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion.


Ikinatuwa at nagpasalamat naman ang dalawang opisyal sa pagdating ng AstraZeneca vaccines at umaasa ang mga ito na magtuloy-tuloy ang mabilisang dating ng bakuna sa bansa.

Mamaya namang alas-9 ng gabi ay inaasahang may darating na karagdagang 1 milyon mahigit na bakuna mula naman sa Pfizer na binili rin ng pamahalaan.

Umaabot na sa kabuuang 93,651,610 ang bakunang natanggap ng bansa mula sa ibat-ibang manufacturers.

Facebook Comments