Panibagong batch ng dolomite sand, muling ibinubuhos sa Manila Bay

Photo Courtesy: PTV Facebook Page

Muling ipinagpatuloy ang paglalagay ng panibagong dolomite sand sa Manila Bay.

Bahagi ito ng ₱389 million na Manila Bay rehabilitation project kung saan pinangunahan ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos mula sa iba’t ibang grupo, muli pa rin ipinagpatuloy ang proyekto sa gitna na rin ng nararanasang COVID-19 pandemic.


Amg mga naturang “artificial white sand” na mula sa Cebu ay dumating kahapon kung saan agad itong ibinuhos sa isang bahagi ng Manila Bay.

Wala pa naman inilalabas na ibang detalye ang DENR hinggil sa panibagong batch ng dolomite sand na ibinubuhos ngayon sa Manila Bay.

Todo bantay naman ang mga pulis upang masigurong hindi magkakaroon ng kumpulan ng tao na nais nagtutungo roin para kumuha ng pictures at videos.

Matatandaan na Setyembre noong nakaraang taon ng simulan ang proyekto kung saan sinabi ng DENR na paraan daw itong upang huwag ng magkalat ang mga tao sa Manila Bay habang iginiit naman ng Malacañang na makakabuti ito sa mental health ng publiko lalo na ngayong may pandemya.

Facebook Comments