Labing-pitong K9 handler at kanilang narcotics detection dogs ang sumailalim sa K9 Team Leaders’ Course ng Batch 2022-02.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva, sinanay ang bagong batch ng mga handler at kanilang mga K9 dogs sa supervision and operations, pag-detect sa mga smuggled na illegal drugs at legal issues.
Ang kurso ay idinisenyo upang gayahin ang totoong sitwasyon sa mga paliparan, daungan at mga kritikal na pasilidad at mga kulungan sa bansa.
Pinapalakas din ng training ang ugnayan sa pagitan ng K9 handlers at ang aso para maging kumpiyansa at may kakayahang pangasiwaan ang mga ito.
Ang mga K9 team ay malawakang ginagamit sa mga operasyon laban sa droga, kargamento at parsela, at mga operasyon sa buong pantalan, paliparan, at transport terminal.