Good news sa mga motorista!
Asahan na muli ang panibagong bawas-presyo sa diesel at kerosene sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Energy (DOE) – Oil Industry Management Bureau (OIMB) Director Atty. Rino Abad, mahigit piso kada litro ang maaaring tapyas sa diesel, habang humigit-kumulang sa piso kada litro naman sa kerosene.
Samantala, nag-aantay pa ang DOE sa resulta ng palitan ng piso at dolyar ngayong araw bago magsabi kung magkakaroon ng paggalaw sa presyo ng gasolina.
Ipinapatupad ang oil price rollback tuwing araw ng Martes.
Facebook Comments