Goodnews sa mga motorista!
Posibleng sumalubong na naman muli ang panibagong bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Atty. Rino Abad, batay sa kanilang pagtataya nasa P2 kada litro ang rollback sa diesel at gasolina.
Habang, higit P1 kada litro naman aniya ang tapyas sa kerosene.
Samantala, hindi naman masiguro ni Abad kung magpapatuloy ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo hanggang sa Pasko o Bagong-taon dahil nakadepende ito sa magiging resulta ng pagpupulong ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) plus.
Epektibo ang rollback tuwing araw ng Martes.
Facebook Comments