Grab Philippines, pinagpapaliwanag na ng LTFRB hinggil sa umano’y sobrang singil sa mga pasahero

Pinadalhan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng show cause order ang Grab Philippines.

Ito kasunod ng mga reklamo kaugnay sa sobrang paniningil sa mga pasahero nito.

Ayon sa LTFRB, hinihingan nila ng paliwanag ang Grab matapos makarating sa naturang ahensya ang mga sulat na naglalaman ng reklamo.


Dagdag pa ng LTFRB, itinakda nila ang pagdinig sa mga reklamo sa December 6, 2022.

Facebook Comments