
Kasado na ang isa na namang bigtime oil price hike bukas.
Partikular ang itataas na halos P20 kada litro sa presyo ng diesel ngayong linggo.
Sa advisory ng Shell, P19.80 ang itataas sa presyo ng kada litro ng diesel, P5.90 naman sa gasolina habang P9.10 sa kerosene.
Ito na ang ika-5 magkakasunod na linggong na may bigtime oil price hike bunga ng giyera sa Gitnang Silangan.
Sa nakalipas na linggo, P12.50 ang dinagdag sa presyo ng kada litro ng diesel, P2.50 sa gasolina at P2 sa kerosene.
Una nang inamin ni Energy Secretary Sharon Garin na malabong bumaba agad ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Ito ay bagama’t pumayag na ang Iran sa ligtas na pagdaan ng Philippine-flagged vessel, energy sources at Pinoy seafarers sa Strait of Hormuz .
Facebook Comments










