Panibagong bihag ng Abu Sayyaf Group, na-rescue ng Militar

25

Manila, Philippines – Narekober ng mga miyembro ng joint task foce Sulu ang isa pang bihag ng Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Basilan.

Ayon kay Joint task Force Sulu, Commander Col. Cirilito Sobejana kinilala ang nailigtas na kidnap victim na si Edmundo Ramos alyas Moymoy.

Sa ulat ala-1:00 ng madaling araw kanina ng marekober si Ramos sa Tapiantana Basilan.

Nakatakas ito sa pagkakabihag ng mga miyembro nang ASG.

Si Ramos ay kasamahan ng tatlo pang mga bihag ng ASG na na-rescue ng militar sa Bgry Kagay Talipao Sulu noong Biyernes.

Kinilala ang mga ito na sina Jason Pon Vailoces, Joel De Mesa Adanza at Filemon Francisco Guerrero Jr.

Facebook Comments