NLEX Road Warriors pinadapa ang Meralco Bolts – Kia wala pa ring panalo sa anim na laro

21

Sports – Nagtala ng 25 points at 18 rebounds si Aaron Fuller para pangunahan ang NLEX Road Warriors sa 100-94 na panalo kontra Meralco Bolts sa pagpapatuloy ng PBA Governor’s Cup sa Mall of Asia Arena.

Ito ang ikalimang panalo ng Road Warriors sa anim na laro habang nalasap naman ng Bolts ang kanilang unang pagkatalo sa limang laro.

Samantala, nagpasiklab ang bagong import ng Elasto Painters na si J’Nathan Bullock para pangunahan ang Rain or Shine sa 94-86 na panalo kontra Kia Picanto.

Umiskor si Bullock ng 20 points at 10 rebounds para wakasan ang two-game losing run ng Rain or Shine.

Wala pang panalo ang Kia sa anim na laro.

Facebook Comments