Panibagong dagdag-bawas sa mga oil product, sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo

Manila, Philippines – May panibago na namang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Aabot sa P0.10 hanggang P0.20 kada litro ang tapyas sa presyo ng diesel habang P0.15 hanggang P0.20 naman sa kerosene.

Pero ang bad news, may dagdag-presyo na naman sa gasolina na maglalaro sa P0.10 hanggang P0.20.


Ito na ang ikalimang sunod na linggong may pagtaas sa presyo ng gasolina.

Ayon sa Department of Energy, pwede pang mabago ang nasabing projected adjustment depende sa magiging resulta ng kalakalan sa Lunes.

Facebook Comments