Senador Dick Gordon, pinatatanggal na Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee

Manila, Philippines – Hihilingin ni Senador Antonio Trillanes na tanggalin bilang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee si Senador Richard Gordon.

Ito ay para bigyang-daan ang pagsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon sa mga nangyayaring patayan sa anti-drug operation ng PNP.

Sabi ni Trillanes, dati nang isyu ang war on drugs ng adminisyrasyong Duterte pero sa halip imbestigahan, nagbigay agad ng konklusyon si Gordon na walang Extra Judicial Killings sa bansa.


Binalikan niya ang naging imbestigasyon noon ng Senado sa umano’y EJK na agad tinapos ni Gordon kahit may siyam pang testigo noon ang Commission on Human Rights.

Si Gordon ang tumatayong Chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights matapos tanggalin si Senadora Leila de Lima na kritiko rin ng war on drugs ni Pangulong Duterte.

Samantala, sa Martes balak din ni Trillanes na magpatawag ng caucus para pag-usapan ang isyu.

Facebook Comments